Friday, October 25, 2013

Mas masarap magkuwento sa sariling wika

English writer ako, oo. Pero nakakapagsulat din ako sa Filipino. Di naman kasi tayo native English speaker. Natutunan lang natin ang English sa eskuwelahan. Likas nga siguro tayong matatalinong tao kaya ang dali nating matuto sa salitang banyaga, na pagkaminsan ay mas maselan pa tayo sa grammar kesa dun sa mga ipinanganak na ang salita ay English.

Ayoko namang baguhin ang spelling ng lahat ng salita at gawing Filipino. Natural na rin kasi sa atin ang magsalita o magsulat na magkahalo ang English at Filipino. Taglish kung Tagalog ang main language. Bislish yata pag Cebuano ang main at Englocano naman kung Ilocano. Nag-iimbento lang yata ako. Hehehe. 

Dahil fluent din akong mag-Cebuano at mag-Ilocano, from time to time ay mahahaluan ng Ilocano or Cebuano words and phrases, or maybe whole paragraphs ang aking blog.

Ang unang blog ko ay sa WordPress (http://arloc888.wordpress.com) dahil ang target dun ay international readership. Mangyari kasi, habang ako'y naghihintay sa aking hinihintay na dapat hintayin ay gusto ko munang magtrabaho online, na nasa bahay na lang at di na kailangang magbihis pa at mamasahe at makipagsiksikan sa bus, jeep o LRT para lang makapasok sa trabaho. Sa aking paghahanap ng online job ay lagi kong nai-encounter ang requirement na dapat ay may blog o connection sa WordPress. Kaya hayun, dun ako nagsimulang mag-blog noong September 22, 2013.

Medyo natagalan akong nakapagsimula dahil sinigurado ko munang maayos ang internet connection ko. Buti na lang mabilis akong nakabitan ng Globe Tattoo WiMax nung mag-apply ako ng service. Second blog ko ang tungkol sa WiMax sa WordPress kaya pwede ninyong mabasa ang article sa September 2013 archives.

Para sa local consumption, nag-open ako ng account sa NuffNang. Nandun ang mga sikat na bloggers na kumikita ng seven figures yearly. May regulation pa dun na hindi counted ang traffic outside the Philippines. Ang basehan ng stats ay yun lang clicks and visits within the country. Ewan talaga anong nangyari dahil nakapag-setup naman ako ng account pero wala akong option na magsulat. Dalawang beses akong nag-email sa Tech Support nagtatanong kung kailangan ba talagang maghintay nang two weeks para maging Glitterati at saka puwedeng  magsulat. 

Two weeks after pa ako nakatanggap ng sagot. May instructions sa email pero pag inilagay naman ang URL ng blog sa WordPress ay may error message na nagsasabing walang option para sa ad spots ang naturang blogging site. Hanggang sa ngayon ay nakatiwangwang ang aking feelin'free blog sa NuffNang. Binalak kong puntahan ang office sa Ortigas bitbit ang aking laptop para hindi na ako makigamit sa computer nila at ipakita na walang option para magsulat. So paano na ang career ko bilang online writer? 

Naisip ko at dahil na rin nai-encounter ko ang Blogger sa aking pagba-browse o pagki-click ng links, na dito na lang ako at huwag nang humilera sa mga sosyal at seven-figure earners.

Kapansin-pansin na sa lahat ng blogging sites na napuntahan ko ay Filipino ang default language dito sa Blogger (capital B in white with orange background). Napapangiti nga ako nung una dahil sanay ako sa English instructions. So nagsimula ako Huwebes nang gabi. Pagkatapos ma-confirm ang aking account ay nagsulat agad ako. First article ko ang "Ariella Arida a shoo-in for the Miss Universe 2013 crown." 

Sa aking pagmumuni-muni ay nagpasya akong gawing Filipino ang blog ko dito. Mas masarap kasing magkuwento sa sariling wika. Kahit na nakatutuwang sa first blog ko on the first day ay may readers na ako mula sa US, Canada at iba pang panig ng mundo, gusto kong magsulat dito mula ngayon sa Filipino. Ilang milyong Pilipino ba ang nakakalat sa buong mundo, di ba? Isama na rin natin yung foreigners na natutong magsalita, magbasa at magsulat ng Filipino.

Biyernes nang umaga, ang matagal ko nang kakilala at kapwa writer na si Jojo Panaligan ay nagkuwento tungkol sa adventures niya sa Morocco. Oo, nandun siya ngayon nagliliwaliw. Writer siya ng Manila Bulletin at siya rin ang entertainment editor ng online edition ng nasabing publication. Composer/record producer din si Jojo. Saka ko na ikuwento ang iba tungkol sa kanya. Basta, isa sa nagpapangiti sa akin tuwing naaalala ko nung active pa ako as entertainment editor ng ilang magazines at newspapers (at host/anchor sa Radio Veritas) ay si Jojo lang ang entertainment journalist na naka-BMW. :-)

Sanay akong magbasa ng panulat ni Jojo in English. Pero nagkukuwento lang naman siya tungkol sa travel adventures niya kaya parang kaharap lang siya ng mga friends niya sa Facebook. Dahil na rin sa pagsi-share niya kaya nagpasya akong sa Filipino na magba-blog.


Kung sa English sinulat ni Jojo ang anecdote na ito, ma-imagine kaya ng friends niya ang actual na pangyayari? Read on para malaman. At katulad ko, alam kong mapapangiti rin kayo kung di man matawa o kaya ay mapaindak sa saliw ng musika ni Nicki Minaj.

"Ako na ang pinatungan ng ahas mula sa likod!

"Nasa Jemaa El-Fna square (a UNESCO World Heritage site) ako habang nanood ng mga ahas na pinapasayaw ng mga Berber snake charmers. Andaming ahas sa lapag at ang bibibo, ha! May green, may dilaw na medyo blue at ang pinakanakakatakot, yung black na may palikpik na pinalayawan kong Nicki Minaj. Dami nilang chismis, galaw-galaw ang dila, ganyan

"Sabi ng mga snake charmers, mababait naman daw at di nangangagat (mukha mo, haha!). So ayan, tugtog-tugtog ng flute. Napansin ko, tatlong nota lang ang gamit, parang 'ring back tone'  ng dump truck sa village namin pag umaatras. Kasabay non, may nagtatambol, may nagtatamborine, at nagyoyodel, tunog mala-opening scene sa 'The Exorcist.'

"Sa tingin ko, nahi-hypnotize yung mga ahas, eh. Kasi nga naman nakakabangag yung tugtog, para kang nagaantay na magsimula ang isang mall show. So ayan nakangiwi kami lahat---nang biglang may naramdaman akong bigat sa balikat ko! Pag tingin ko, pasan ko na si Nicki Minaj! Dyuskopo ang sigaw ko talaga, haha! 

"Totoo pala yon na pag ganung pagkakataon, pumapadyak padyak yung paa mo, di pala yon maka-slapstick lang. Syempre atrasan lahat ng mga katabi ko. Ako naman nanigas pero nung patakbo na ako, pinigilan ako ng snake charmer kasi nga naman baka makidnap ko si Minaj ng di oras.

"Kinuha niya yung ahas at biglang… magbayad daw ako! Aba, ba’t ako magbabayad. Eh kasi daw nahawakan ko si Nicki, ansabe. Interactive yung experience kung baga, ansabe. Saya mo. Gago."

Hahaha. Humingi ako ng permiso kay Jojo kung puwede kong i-quote ang kuwentong ito at sabi naman niya, "Sure."

Marami pa siyang kuwento tungkol sa biyahe niya, pero ito yung pinili kong perfect example na mas masarap magkuwento sa sariling wika.

Paki-like na rin kung nagustuhan ang kabuuan ng blog kong ito. Puwede ring i-share. 

Hanggang sa susunod. 

Photo by Jojo Panaligan. View from his hotel window.
 

2 comments:

  1. nice blog Arlo Custodio. sana marami pa ako matutunan at malaman s mga posts mo. thanks

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey, salamat. pwede mo rin ako i-add sa facebook. i-confirm ko.

      Delete