Monday, December 9, 2013

Pilipinas at Venezuela, nag-uunahan bilang beauty powerhouse

Sa Asia ay Pilipinas ang beauty powerhouse--2 Miss Universe, 1 Miss World, 4 Miss International, 1 Miss Earth at 1 Miss Supranational. Pilipinas pa lang ang bansa na nakupo na ang lahat ng big international beauty titles

 First Filipina Miss World (2013) Megan Young with 1st Princess Miss France

Sa Americas ay Venezuela at USA ang nag-uunahan.

Miss Earth 2013 Alyz Henrich of Venezuela with her court, Misses Korea, Austria and Thailand

Para sa taong ito, ang Venezuela at Pilipinas ang magkaribal sa titulong Beauty Country Performer of the Year. Wala naman talagang ganun na titulo, pero para sa mga beauty pageant aficionados--sa pangunguna ng Missosology, Beauty Pageant Grand Slam at Global Beauties--ay may mga sariling scoresheet sa performance ng bawat bansa sa international pageantry.

Noong early September ay nakoronahan bilang Miss Supranational si Mutya Johanna Datul. Later that month ay nakuha naman ni Megan Young ang kauna-unahang Miss World title para sa Pilipinas. Di masidlan ang pagbunyi ng mga Pilipino, kahit kasabay ang pinsalang idinulot ng 7.2 magnitude earthquake sa Bohol.

Miss Philippines Angelee delos Reyes with fellow Miss Earth 2013 candidates

Last November ay Venezuela naman ang nagbunyi dahil nakuha nila ang kanilang ika-7th Miss Universe title sa katauhan ni Gabriela Isler. Hindi nagpahuli ang Pilipinas dahil nakapasok sa Top 5 at tinanghal na 3rd runner-up si Ariella Arida. Katatapos lang salantain ng super typhoon Yolanda ang Central Visayas nang ginanap ang coronation ceremonies sa Moscow, Russia.

Sa history ng Miss Universe at sa anumang kasaysayan ng beauty contest ay bukod-tanging ang Pilipinas ang nakapasok sa Top 5 sa nakaraang magkakasunod na apat na taon mula 2010 hanggang 2013.

Hindi nakapasok ang Venezuela sa kauna-unahang Miss Grand International sa Bangkok, Thailand. Si Miss Puerto Rico Janelee Chaparro ang nanalo at 3rd runner-up si Miss Philippines Ali Forbes.

In the male pageant front, Venezuelan din ang nanalong Mister International na ginanap sa Indonesia. 4th runner-up ang kinatawan ng Pilipinas, si Gil Wagas Jr., dating basketball player na tubong Cebu.

 Marisse Mendoza of the Philippines is Miss Campus World 2013

Kamakailan ay tinanghal si Miss Philippines Marisse Mendoza bilang Miss Campus World 2013 sa Kuala Lumpur, Malaysia. Mr. Macau ang nanalong Mister Campus World 2013 at 1st runner-up si Mr. Philippines William de Dios.

Nitong nakaraang linggo ay ginanap ang Miss Earth 2013 Pageant dito sa Pilipinas. Miss Venezuela ang nanalo at runners-up ang candidates from Austria (Miss Air), Thailand (Miss Water) at Korea (Miss Fire). Nakapasok sa Top 8 si Miss Philippines Angelee delos Reyes.

Isang major pageant at dalawa pang minor pageants ang ginaganap sa kasalukuyan.

Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific Koreen Medina and Mutya ng Pilipinas-Tourism Angeli Gomez

Sa December 14 kokoronahan ang Miss Intercontinental sa Germany. Pambato ng bansa si Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific Koreen Medina. Isa si Koreen na malalakas na kandidata at isa rin sa may pinakamagandang mukha.

Binibining Pilipinas-International Bea Rose Santiago

Sa December 17 ang Miss International sa Tokyo, Japan at kinatawan ng Pilipinas si Bea Rose Santiago para sa ika-5th Miss International crown ng bansa. Magkasama sa Top 10 favorites ang Philippines at Venezuela.

Koreen Medina with fellow Miss Intercontinental 2013 candidates in Germany

Si Angeli Dione Gomez ang lalaban para sa Pilipinas sa MissTourism International sa Kuala Lumpur, Malaysia sa December 31.

Ang reigning Miss Tourism International ay si Rizzini Alexis Gomez ng Pilipinas. Posible na ang korona ay ipasa from the  Philippines to the Philippines, from a Gomez to a Gomez.

 Angeli Dione Gomez with fellow Miss Tourism International candidates in Malaysia

Para sa aficionados na ang kinu-consider lang ay ang Big 4 (Universe, World, Earth, International), nakuha na ng Venezuela sa Pilipinas ang Best Country Performer of the Year. Kung papalarin at maging Miss International 2013 si Bea Rose Santiago ay solong-solo ng Pilipinas ang labanan ng pagandahan.

 Miss Supranational 2013 Mutya Johanna Datul as guest in the crowning of Miss Gabon in Africa

Kung ang batayan ay ang mga titulo, nakauungos ang Pilipinas dahil kahit tig-dalawa sila ng Venezuela ay laging nasa Top 5 o Top 10 ang Pilipinas.

Anuman ang mangyari, hindi na mapapasubalian ang ganda ng Pilipina at ina-acknowledge ito ng buong mundo.




No comments:

Post a Comment