Tuesday, November 19, 2013

Marami pong salamat sa tulong ng mundo sa sambayanang Pilipino!

Lubhang nakapanghihinagpis ang trahedyang dulot ng bagyong Yolanda (international name Haiyan). Lugmok ang Tacloban City at iba pang lugar sa Central Visayas.


Ito na ang pinakamasaklap na kalamidad na nangyari sa bansa. Kung nasira ang Maynila sa pambubomba ng mga Hapon noong World War II ay literal na napulbos ang mga gusali dulot ng delubyo sa pagkakatong ito. Maraming namatay, at ang natira sa mga survivor ay kung ano lang ang suot nilang damit sa katawan.


Dalawang araw bago ang inasahang pag-landfall ng pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan ng mundo ay sinabi ng Pangulo na sapat ang kahandaan at kakayahan ng gobyerno sa nakaambang panganib. Ngunit pagkatapos ng bagyo at tumambad ang kalunus-lunos na nangyari ay tahimik ang Palasyo, walang tulong na agarang dumating. Nasaan ang mga helicopter at military plane na sana ay naghulog ng relief goods mula sa ere para sa mga survivor?

Limang araw ang lumipas bago kumilos ang gobyerno, nang tuligsain ng foreign media sa pangunguna ni Anderson Cooper ng CNN ang kabagalan ng pagdating ng tulong. Sobrang shocked ba sila at di nakakilos agad? Nag-isip ba muna si PNoy kung sino ang dapat sisihin sa nangyari? Hindi na niya puwedeng isisi kay GMA ang pangyayaring ito, kaya hayun, pinuntirya ang LGUs (local government units).

Nagmura si PNoy dahil hindi sinunod ng Tacloban ang planong paglilikas ng mga tao. Sumagot naman si Mayor Albert Romualdez na sa lakas ng hagupit ni Yolanda ay hindi kinaya ng paghahanda nila. Lahat ay biktima kaya walang nakitang tumulong na local government people dahil inuna nila ang kani-kanilang pamilya.

Pagkatapos nang halos dalawang linggo ay saka lang tinanggap ni PNoy at idineklara na "the systems failed."

Sa pagdagsa ng tulong mula sa iba't-ibang panig ng mundo na umaabot na sa PHP11B ang nalikom na cash donations ay ikinababahala ng mamamayan na mapunta sa bulsa ng mga ganid na pulitiko ang pera. For monitoring and transparency ay sa Commission On Audit o COA ipinagkatiwala ang pangangasiwa. Sabi, may itinatag na website para rito. Pero pag pinuntahan naman ang site ay "URL cannot be found" o "Error 404" ang lumalabas.


Ang labing-isang bilyong piso ay sapat para maipagpatayo ng tahanan ang mga survivor, ilang bagong paaralan na ang magagawa, maiaayos ang mga daan, airport at seaport, government buildings and offices. Kapag hindi nangyari ang mga ito ay iisa lang ang ibig sabihin: kinurakot ang pondo!

Iba ang kaso ng relief goods na dumarating. Ang maepal na Vice President ay inilalagay sa supot na may pangalan at mukha niya, na pati kendi ay Binay na ang brand. Ang depensa niya, hindi niya alam ang ginagawa o kagagawan ng mga tauhan niya. Hindi ba ganyan din ang depensa ng mga senador na sina Tanda, Sexy at Pogi?

Sa kaso ng DSWD, nire-repack ang goods at pinapalitan ng lalagyan na may logo ng ahensiya. Yung galing-Indonesia ang nakita ng mapagmasid na mamamayan ang ginawan ng ganito. Siyempre, deny-to-death si Tita Dinky. Wala raw ganun. Mismong taga-gobyerno ang nagpaliwanag na nire-repack nila para i-separate ang expired goods. Nagbigay pa ng halimbawa tungkol sa ketchup. Hindi maiwasang matawa ang netizens.


Sa mga sakunang nangyayari sa bansa taun-taon at palala nang palala, naipakita ng mga Pilipino ang katatagan, ang resiliency na ikinamamangha ng maraming tao sa mundo. Bumabangon pag nalulugmok. Tumatawa at ngumingiti sa gitna ng trahedya, lalo na kapag may camera. Ang kakaibang pag-uugaling ito ng Pinoy ang siya ring dahilan kung bakit sa gitna ng mga pagsubok ay nandiyan pa rin ang magiliw na pakikipagkapwa-tao, lumalaban sa dagok ng buhay para sa pamilya at sa mga mahal sa buhay.

Oo, sa gitna ng trahedya nakikita ang the best and the worst in people. Worst na siguro yung iilang matatawag na looters, na naghihintay ng pagkakataon na makapanlamang sa kapwa. Hindi naman kasi kasalanan kung ang dahilan ng looting ay para may makain at mainom upang maka-survive, pero kung pati refrigerator at TV ay puwersahang kukunin ay napakasama nga nun.

Mga tunay na lider

Maliban sa resiliency ng mga Pinoy, meron talagang bukal sa loob ang pagtulong, tulad ni Mayor Rodrigo Duterte ng Davao City. Siya ang kauna-unahang government official na pumunta sa Tacloban para mag-abot ng donation at pagkain para sa mga nasalanta. Durog ang puso niya at nasabi pa nga niyang "God was somewhere else and may have forgotten there is Earth" nang humagupit si Yolanda. Sa relief goods, ang mababasa lang ay "With Love From Davao City."

Isa pang napatunayan nang mabilis rumesponde ay si dating Olongapo City Mayor at Senator Richard Gordon. Hindi lang dahil siya ang namumuno ng Philippine Red Cross kaya siya ang in-command kundi napatunayan na rin ang kanyang galing at leadership nung nasa Department of Tourism siya. Hindi iilan ang nagsasabi na sana ay siya na lang ang presidente ng Pilipinas ngayon.

Sa ganitong pagkakataon ay may sumusulpot na tunay na lider, at nalalaman din ng mamamayan na ang kanilang inihalal na mga opisyal ay hindi karapat-dapat sa puwesto kaya lang ay huli na ang lahat.

Sa susunod na eleksiyon na lang idaan ang pagkamulat na ito. Alisin ang virus ng sambayanan na mahigit nang 20 taon na nagkakalat at nanghahawa ng sakit sa lipunan. Huwag na rin ihalal muli ang mga naghihinagpis na pulitiko dahil sa pagkawala ng pork barrel. Kamakailan lang ay sinabi ng Supreme Court na unconstitutional at illegal ang PDAF at DAP sa lahat ng anyo nito. Mawawalan na ng source of kickback ang mga gahaman.

Hindi lang mga kaalyado ng Pilipinas--tulad ng USA at ASEAN countries (sa pangunguna ng Thailand at Brunei)--ang nagbigay ng tulong para sa mga nasalanta at tumutulong sa recovery ng Central Visayas kungdi halos buong mundo na, prominente ang Japan, Germany, United Kingdom, Norway, Denmark, France, Italy, Netherlands, Canada, Saudi Arabia, Kuwait, Bahrain, Qatar, Israel, Australia at New Zealand.

Maraming-maraming salamat po sa inyo! Pagpalain nawa kayo ng Maykapal!

Pilipinas, 3rd runner-up sa Miss Grand International

Nung kasagsagan ng bagyong Yolanda ay nasa Moscow, Russia si Ariella Arida lumalaban sa Miss Universe 2013 Pageant. Hindi man naiuwi ang korona ay masaya na rin ang sambayanang Pilipino sa kanyang 3rd runner-up finish. Nag-iisang Asian at English-speaking sa Top 5. Ang karangalang natamo niya ay nagbigay inspirasyon sa nagdadalamhating bansa.


Nitong Martes ay pumasok din sa Top 5 sa Miss Grand International sa Bangkok, Thailand ang pambato ng Pilipinas na si Annalie Forbes. Puerto Rico ang nag-uwi ng korona, 1st runnerup ang Dominican Republic, 2nd runner-up ang Slovak Republic, 3rd runner-up ang Philippines at 4th runner-up ang Australia.

BS Information Technology student, professional singer at part-time actress si Ali. Sa mga nanood ng live stream, tama naman ang sagot niya, pero nang magpasalamat siya sa tulong ng Thailand at iba pang bansa sa mga biktima ng typhoon Yolanda ay "donator" imbes na "donor" ang ginamit niyang salita, na dahilan ng mainitang pagtatalo ng mga Pinoy sa YouTube chat. Nagtataka tuloy ang ibang nationalities sa kakaibang kultura ng Pinoy--sila-sila mismo ang nagbabangayan at bina-bash ang sariling kandidata, at ang dami nila, ha. Sa Popular Vote ay Myanmar ang nanalo. Mas maraming techie na nga ba sa Myanmar ngayon kesa sa Pilipinas?

Magkagayunman, salamat sa karangalang dala mo para sa bansa, Ali Forbes! Hindi biro ang pumang-apat na puwesto among 75 candidates!

Gil Wagas sa Mister International

Nasa Jakarta, Indonesia naman si Gil Wagas Jr. para sa Mister International. Taga-Cebu si Gil at dating UE Red Warriors basketball player. Sa taas niyang 6'3" at kayumangging kaguwapuhan ay talagang mapapansin siya sa gitna ng karamihan.

Sa Indonesia naging Miss World si Megan Young at sa Indonesia rin naging FIBA slamdunk champion si Kobe Paras.

Go, Gil! Go, Philippines!






Sunday, November 10, 2013

Mga Pinoy, proud pa rin sa 3rd runner-up finish ni Ariella sa Miss Universe

Tapos nang tawagin ang pang-15 kaya di mapakali ang mga Pinoy at mga fans at supporters ni Miss Philippines Ariella Arida, kaya nang tawagin siya bilang pang-16 dahil sa Fan Votes ay hiyawan ang mga tao sa Crocus City Hall sa Moscow, Russia kung saan ginanap ang Miss Universe 2013 Pageant. Ganun din ang mga nanonoood ng live broadcast sa Velvet Channel at Star World at live streaming sa internet na naka-hookup sa UStream at Teletica.



 Eksaktong alas-nuwebe nang gabi (Moscow time at alas-dos naman nang madaling araw Manila time) nang magsimula ang programa kaya marami ang napuyat dahil gustong malaman ang resulta real-time.

Lalong nakahinga nang maluwag ang milyun-milyong fans at supporters nang pangalawa kay Miss Spain na tinawag ang Philippines sa Top 10. Ang iba pang nag-advance ay Great Britain, India, Brazil, USA, Ukraine, Ecuador, Venezuela at Dominican Republic.


Pagkatapos ng long gown competition ay pinili ang Top 5 finalists para sa question-and-answer portion. Pang-apat na tinawag si Miss Philippines at panglima si Miss Venezuela. Nauna sa kanila sina Miss Ecuador, Miss Brazil at Miss Spain. Si Ariella lang ang Asian sa gitna ng mga Latina. Pero siya lang ang hindi nangailangan ng interpreter para sagutin ang tanong ng judge na si Tara Lipinski.

Parang nabigla si Ariella nang tawagin siya agad para third runner-up pagkatapos tawagin si Miss Brazil bilang fourth runner-up. Marami kasi ang nagsasabi na kung makarating sa finals sina Miss Spain at Miss Philippines ay tiyak na silang dalawa ang maglalaban para sa korona.

Second runner-up si Miss Ecuador, first runner-up si Miss Spain at ang Miss Universe 2013 ay si Gabriela Isler ng Venezuela. Ito ang pampitong Miss Universe crown ng Venezuela. Unang korona nila noong 1979, sinundan noong 1981, pagkatapos ay noong 1996, at nag-back-to-back noong 2008 at 2009.

Sa third runner-up finish ni Ariella ay naipagpatuloy ng Pilipinas ang Top 5 finish mula noong 2010 (Venus Raj, 4th runner-up; Shamcey Supsup, 3rd runner-up, 2011; at Janine Tugonon, 1st runner-up, 2012). Hindi man nakuha ang korona ay proud na proud pa rin ang mga Pinoy sa ipinamalas na ganda, galing at talino ni Ariella na nasaksihan ng buong mundo.

May chika nga na si Ariella ang nag-top sa Swimsuit Competition sa Top 16 pero sumablay siya sa Evening Gown dahil sa kanyang yellow dress na gawa ng isang Colombian na kababayan ni Stella Marquez Araneta ng Binibining Pilipinas Charities.



Si Janine nga pala ay bongga sa kanyang "On The Scene With Janine" sa Miss Universe 2013 na mapapanood ang videos sa Miss Universe website. Katulad nang naisulat natin dito ("Janine Tugonon, may special role sa Miss Universe 2013") ginawa ni Janine ngayong taon ang ginawa ni Shamcey noong nakaraang taon. Dahil hindi nakuha ni Ariella ang korona ay malamang siya naman ang may ganitong papel sa Miss Universe 2014.

Sa sinasabing Trump Card, tatlo ang hindi nakapasok sa Top 16--Miss Russia (kaya marami ang nagsasabing hindi luto ang contest), Miss Italy (kahit pa Italian brand ang swimwear sponsor na Yamamay) at Miss Turkey (sinasabing of Turkish origin ang hair sponsor na CHI).

May mensahe si Ariella sa atin na kanyang mga kababayan at nais naming i-share ito sa lahat:

"I may not have brought home the crown, but I hope I have given my best to exceed my people's expectations. The winning streak continued --2010, 2011, 2012, 2013.

And that makes us a powerhouse of beauty and intelligence in the entire universe. And you, my dear kababayans, are the true heroes of this pageant. Thank you for the love and support up to the last hurdle of my intense battle. It was a competition with discriminating judges with all their personal choices and that we have to accept. I have accepted my fate, I have given my best, and that makes me a beauty queen till the last day of my life.

Mabuhay ang lahing magaganda.
Mabuhay ang bansang PILIPINAS!"

--Ariella Arida, Miss Universe 2013 3rd Runner-Up

Mga larawan mula sa www.missuniverse.com

Mababasa rin ang isa pa naming blog na may kaparehong tema sa http://arloc888.wordpress.com
 






Monday, November 4, 2013

Ang Trump Card sa Miss Universe: Miss Philippines kasali sa Top 6

Binili ng media mogul na si Donald Trump, may-ari ng NBC, ang Miss Universe Inc. noong 1996. Pagkatapos nang dalawang taon, noong 1998, ay inilipat ang headquarters mula sa Los Angeles, California sa New York City at naging Miss Universe Organization. Kasama sa pinalalakad ng MUO ang Miss USA at Miss Teen USA.





Ang ating MUSpy (basahin sa artikulong "Janine Tugonon, may special role sa Miss Universe 2013" dito sa ating feelin'free blog) ay medyo naguluhan nung una tungkol sa tinatawag na Trump Card. Dangan nga kasi, may personal choices na anim na kandidata ang Trump organization na dapat ay mapabilang sa Top 15. Ang pang-16 na kasali ay yung may pinakamataas na boto sa online poll.

Kadalasan ay frontrunners ang Trump Six, naniniguro lang talaga ang organization kahit anong mangyari na hindi maitsapuwera ang mga pinagpalang kandidata dahil sa scores ng judges. Hindi rin ito nangangahulugan na may ilalaglag na kandidata dahil kasama o hindi nakasama ang isang Trump Six candidate sa top scorers ng judges ay garantisadong kasama ito sa Top 15. Bale ba, ang iba pang Top 9 scorers ang bubuo sa Top 15 na pinili ng preliminary judges.

Sa tingin ngayon, ang mga kandidata sa Trump 6 ay posibleng: Philippines, dahil sa Pinoy obsession at siguradong malakas sa preliminaries; Brazil, dahil gaganapin sa nasabing bansa ang Miss Universe 2014 at malakas din sa preliminaries; Italy, dahil sa swimwear sponsor na Yamamay na isang Italian brand; Turkey, dahil sa CHI (official Hair Care and Title sponsor); Russia, dahil doon ginaganap ang contest; at India, dahil sa business-related issues.

Posible rin na ang Trump 6 ay bubuuin ng mga pinili ng Mercedes Benz para sa commercial shoot--Miss Philippines, Miss Russia, Miss Poland, Miss Austria, Miss Germany at Miss Mexico.

Maliban sa Philippines ay ang Myanmar ang pinakamaingay sa online voting--sa Missosology, Beauty Pageant Grand Slam, Global Beauties o kahit anong website na may kinalaman sa beauty pageants. Kung dadalhin ng fans ni Miss Myanmar ang ingay nila at gawing official na boto sa www.missuniverse.com ay siguradong siya ang pang-16. Puwede ring humabol sina Miss Malaysia at Miss Indonesia.

Base sa iba't-ibang prediction, opinion o pustahan na nagaganap sa kalalabasan ng Miss Universe 2013 ay pinagsama-sama natin sa artikulong ito ang choices ng beauty pageant aficionados sa buong mundo.

Para sa online publication na International Business Times (http://au.ibtimes.com), maliban kina Miss Philippines at Miss Russia (na kapwa nasa Trump Six) ay nananatiling malakas ang laban nina Miss USA at Miss Australia.



Sa Beauty Pageant Grand Slam (they blocked several "abusive" users na kinabibilangan ng maraming Pilipino dahil sa racist slur or foul language sa mga comment laban sa ibang kandidata na hindi nila suportado), ang favorites ay Poland, Dominican Republic, Myanmar, Ukraine, France, Venezuela, Indonesia, El Salvador, Philippines, Israel, Czech Republic, Paraguay, Colombia, Croatia, South Africa, Puerto Rico, Argentina, Hungary, Chile, Panama, Slovak Republic, Nicaragua, Bolivia at Korea.

Para sa taga-Colombia na si VinvinCR ay uusad sa Top 5 ang France, Philippines, Puerto Rico, Bolivia at Poland (http://www.youtube.com/watch?v=vXBola9UYwU) at Philippines ang papatungan ng Diamond Nexus crown.

Isang American beauty pageant aficionado (http://www.thepageantplanet.com) naman ang nagsasabing top candidates ang Philippines, Russia, Netherlands, Venezuela at USA.

Paborito naman ng isa pang predictor ang Ukraine, Poland, China, Spain, Nicaragua, Venezuela,
Sweden, Puerto Rico, Great Britain, USA, Australia, Russia, Romania, Ecuador at Philippines na makapasok sa Top 15.

In order of winnability, leading sina Miss USA at Miss France (tied sa 1st place), at sinusundan ng candidates from Italy, Philippines, Russia, Bolivia, Costa Rica, Panama, Poland, Puerto Rico at Israel ayon sa http://etharrydawn.deviantart.com. 

Number 1 pa rin si Miss Philippines sa online betting (http://www.oddschecker.com/awards/miss-universe/pageant-winner) at #2 si Miss USA pero medyo nag-iba ang placement sa lower rank. Dati, Miss India ang #3, Miss Panama #4 at Miss France #5. Sa bagong talaan ng online betting and gambling company ay nasa #3 position si Miss Spain, #4 Miss Panama, #5 Miss Poland, #6 Miss Russia, #7 Miss Australia, #8 Miss France at #9 Miss India.  

Ayon sa isang crystal ball reader ay Philippines, USA, South Africa, Mexico, Venezuela at Puerto Rico ang maglalaban-laban, pero Philippines ang lumalabas sa kanyang bolang kristal na winner.
(http://www.youtube.com/watch?v=fjjZFzZZVmM).

Sa Ice Princess Glamor Shoot ay si Ariella ang nanalo, kasunod sina Miss Spain (1st runner-up), Miss Great Britain (2nd runner-up), Miss South Africa (3rd runner-up) at Miss Australia (4th runner-up). Rounding up the Top 15 ay (in descending order) Poland, Venezuela, Netherlands, Ecuador, Romania, Ukraine, Brazil, Russia, Croatia and Turkey.

November 5 ang preliminary competition at ang judges ay sina: Irina Agalarova, Russian fashion icon; Corinne Nicolas, modeling industry veteran; David Perozzi, Emmy-nominated producer and journalist; Alicia Quarles, New York-based correspondent for E! News; Gabriel Rivera-Barraza, fashion publicist and philanthropist; Jose Sariego, Senior Vice President of Business and Legal Affairs for Telemundo Media; at Elena Semikina, Miss Universe Canada 2010.



Sa finals sa November 9 (broadcast live on NBC at 9 p.m. EST), ang panel of judges ay binubuo nina: Steven Tyler--Aerosmith front man and lead singer and one-time "American Idol" judge; Chef Nobu-- acclaimed chef proprietor of Nobu and Matsushisa restaurants; Tara Lipinski--gold medal figure skater and 2014 Winter Olympics analyst for NBC Olympics' multi-platform coverage; Carol Alt--TV personality, star of Fox News Channel's "A Healthy You and Carol Alt", international supermodel, actress, author, entrepreneur and raw-food enthusiast; Anne V--supermodel, actress, philanthropist and mentor on Oxygen's upcoming season of "The Face" with nine consecutive appearances in Sports Illustrated Swimsuit issue; Farouk Shami--founder of Farouk Systems, Inc. makers of CHI and presenting hair care sponsor of the 2013 Miss Universe Competition; Italo Fontana--pioneering designer of U-Boat Watches; and Philip Kirkorov--iconic Russian pop-star. 

Sa mga kaganapan behind the scenes, mag-logon sa http://globalpageantsexpress.wordpress.com. May tsismis din kasi na umaalingasaw ang amoy ng isang kandidata at pinag-uusapan nang palihim ng iba ring kandidata at staff ng MUO. Sabi ng ating MUSpy, hindi raw niya kalahi yun. Nakita rin na tuwang-tuwang nagyakapan sina Miss Philippines at Miss Poland, na mukhang magandang balita para sa kanilang dalawa ang kanilang nalaman.

Para sa iba pang detalye ng contest at ng mga kandidata, mag-logon sa www.missuniverse.com. Sa Miss Universe website din galing ang mga photos sa artikulong ito, maliban sa picture na magkasama sina Ariella at Olivia Culpo na pinost ni Miss Universe 2012 sa Instagram.