Friday, November 1, 2013

Janine Tugonon, may special role sa Miss Universe 2013

Hanggang ngayon ay marami ang nanghihinayang na imbes si Janine Tugonon ang nakoronahan bilang Miss Universe 2012 ay si Olivia Culpo ng USA ang nanalo.

Gayunpaman, masaya ang sambayanang Pilipino dahil sa tatlong magkakasunod na taon ay pumasok sa Top 5 ang kinatawan ng bansa. Fourth runner-up si Venus Raj noong 2010, third runner-up si Shamcey Supsup noong 2011 at first runner-up nga si Janine last year.



Nang lumaban si Janine last year ay si Shamcey ang host ng special events ng Miss Universe Organization--tulad ng interviews, backstage info at red  carpet updates. Ngayong taon ay si Janine naman ang gaganap sa naging papel ni Shamcey. Ang kanyang videos ay mapapanood online sa www.missuniverse.com at isa ito sa pinakainaabangang feature ng pageant.

Naging official announcement ang papel ni Janine sa Miss Universe 2013 nang i-share ng pamosong Albanian-American photographer na si Fadil Berisha sa kanyang Instagram account ang mga kuha niya sa Miss Universe 2012 first runner-up. Si Fadil ay hinahangaan sa kanyang Ice Princess Glam Shot ng mga kandidata na naka-post sa Miss Universe website at umiikot sa Internet at maging sa print publications sa buong mundo.



Samantala, nananatiling paborito si Miss Philippines Ariella Arida na siyang mag-uuwi ng korona sa 62nd edition ng contest na pag-aari na ngayon ng media mogul na si Donald Trump. Sa oddschecker.com, isang online betting organization na affiliated sa Sky Betting and Gaming at BskyB na nakabase sa London, England ay si Ariella ang may pinakamataas na chance na manalo, 6-1. Sinusundan siya ni Miss USA 8-1, Miss India 10-1, Miss Panama 12-1, Miss Spain 12-1 at Miss France 14-1.

Ayon naman sa online publication na International Business Times na nakabase rin sa United Kingdom, si Miss Philippines ang nangunguna at sinusundan nina Miss Australia, Miss USA at Miss Russia.

Drama behind the scenes

Dahil sa naunang blog natin sa WordPress ay  nagkaroon tayo ng connection sa isa ring blogger na may contact sa loob ng MUO. Tawagin natin ang source na MUSpy. Isa sa mga naunang event ng contest ay ang Tony Ward Mercedes Benz Fashion Show kung saan 15 candidates lang ang piniling rumampa, kasama si Miss Philippines.

May isang candidate na nagtanong kung bakit hindi siya kasali gayung professional model siya sa kanilang bansa. Umiyak ito at inalo ng kanyang kaibigan na kandidata rin. Isang famous Italian designer ang pumunta sa backstage at kinausap sina Miss Philippines, Miss Poland at Miss Spain. Mismong si Tony Ward ang nagsabing impressed siya sa mga kasali sa fashion show at gusto niyang isa sa kanila ang makokoronahan bilang bagong Miss Universe, pero ang kanyang manok ay si Miss Poland.

Isa sa Russian catwalk trainers ang nag-comment na magaganda sina Miss Venezuela at Miss Puerto Rico pero hindi pang-runway ang performance nila. Para sa kanya, ang umangat ay sina Miss Poland, Miss Spain, Miss Jamaica at Miss Philippines.

Kahit asiwa si Ariella dahil sa "Latinas can't even finish a sentence in English" issue (http://arloc888.wordpress.com) ay nakipag-huddle siya sa kanila. Sa Yamamay swimsuit fashion show kung saan naapakan ni Miss Dominican Republic ang butas sa ginta ng stage at natipalok siya ay narinig na tumawa nang pagkalakas-lakas ang isang kandidata. Si Miss Brazil ang paborito ng press sa show na yun, na kokonti lang ang nanood dahil hindi alam ng mga Russian na ginaganap pala sa lugar nila ang Miss Universe 2013. Si Miss Brazil ang yumakap kay Miss Dominican Republic pagkatapos ng fall incident.

Ang misunderstanding sa pagitan nina Miss USA at Miss Puerto Rico ay naging away na, at pati si Miss Australia ay ayaw nang kausapinn ang kababayan ni Dayanara Torres. Observation ng MUO staff, showing true colors na sina Miss USA, Miss Poland, Miss Israel at Miss Ukraine. Parang bata at iyakin naman si Miss Croatia.

Sa dinner event ay late dumating si Miss Dominican Republic. Bineso-beso niya ang lahat ng Latina sa grupo maliban kay Miss Puerto Rico. Dahil sa prodding ng photographer ay pumunta sa umpukan ng mga Latina si Ariella para makunan ng picture. Gusto siyang samahan ni Miss Canada para hindi maasiwa, pero sinabihan ng photographer si Miss Canada na si Miss Philippines lang ang gusto niyang kunan ng picture kasama ang mga Latina. Si Miss Peru ang nagbigay ng space kay Ariella, pero isa sa mga kandidata ang naglitanya sa kanyang sariling wika at nag-walkout.

Mahilig makipag-picture at mang-picture si Miss Indonesia at buntot nang buntot kay reigning Miss Universe Olivia Culpo. Isa sa mga African delegates ang nagsabi kay Ariella, "Your country won Miss World, congratulations!" Si Miss Canada naman ay nagsabing. "I am Filipino but I'm here for my country and that's Canada!" Nakitang may kausap si Miss Philippines sa phone, about 45 minutes, at masaya. Si Ervic Vijandre kaya yun?

Isang discreet gay stylist ang nagsabing gusto niyang makita sa finals sina Miss Poland, Miss USA, Miss Turkey, Miss Indonesia, Miss Jamaica, Miss Korea at Miss Philippines.

Ang susunod na Trump model ay maaaring isa kina Miss Ukraine, Miss Romania at Miss Paraguay.

Sa iba pang balita, you can copy paste or click the link  http://globalpageantsexpress.wordpress.com



















No comments:

Post a Comment