Sunday, November 10, 2013

Mga Pinoy, proud pa rin sa 3rd runner-up finish ni Ariella sa Miss Universe

Tapos nang tawagin ang pang-15 kaya di mapakali ang mga Pinoy at mga fans at supporters ni Miss Philippines Ariella Arida, kaya nang tawagin siya bilang pang-16 dahil sa Fan Votes ay hiyawan ang mga tao sa Crocus City Hall sa Moscow, Russia kung saan ginanap ang Miss Universe 2013 Pageant. Ganun din ang mga nanonoood ng live broadcast sa Velvet Channel at Star World at live streaming sa internet na naka-hookup sa UStream at Teletica.



 Eksaktong alas-nuwebe nang gabi (Moscow time at alas-dos naman nang madaling araw Manila time) nang magsimula ang programa kaya marami ang napuyat dahil gustong malaman ang resulta real-time.

Lalong nakahinga nang maluwag ang milyun-milyong fans at supporters nang pangalawa kay Miss Spain na tinawag ang Philippines sa Top 10. Ang iba pang nag-advance ay Great Britain, India, Brazil, USA, Ukraine, Ecuador, Venezuela at Dominican Republic.


Pagkatapos ng long gown competition ay pinili ang Top 5 finalists para sa question-and-answer portion. Pang-apat na tinawag si Miss Philippines at panglima si Miss Venezuela. Nauna sa kanila sina Miss Ecuador, Miss Brazil at Miss Spain. Si Ariella lang ang Asian sa gitna ng mga Latina. Pero siya lang ang hindi nangailangan ng interpreter para sagutin ang tanong ng judge na si Tara Lipinski.

Parang nabigla si Ariella nang tawagin siya agad para third runner-up pagkatapos tawagin si Miss Brazil bilang fourth runner-up. Marami kasi ang nagsasabi na kung makarating sa finals sina Miss Spain at Miss Philippines ay tiyak na silang dalawa ang maglalaban para sa korona.

Second runner-up si Miss Ecuador, first runner-up si Miss Spain at ang Miss Universe 2013 ay si Gabriela Isler ng Venezuela. Ito ang pampitong Miss Universe crown ng Venezuela. Unang korona nila noong 1979, sinundan noong 1981, pagkatapos ay noong 1996, at nag-back-to-back noong 2008 at 2009.

Sa third runner-up finish ni Ariella ay naipagpatuloy ng Pilipinas ang Top 5 finish mula noong 2010 (Venus Raj, 4th runner-up; Shamcey Supsup, 3rd runner-up, 2011; at Janine Tugonon, 1st runner-up, 2012). Hindi man nakuha ang korona ay proud na proud pa rin ang mga Pinoy sa ipinamalas na ganda, galing at talino ni Ariella na nasaksihan ng buong mundo.

May chika nga na si Ariella ang nag-top sa Swimsuit Competition sa Top 16 pero sumablay siya sa Evening Gown dahil sa kanyang yellow dress na gawa ng isang Colombian na kababayan ni Stella Marquez Araneta ng Binibining Pilipinas Charities.



Si Janine nga pala ay bongga sa kanyang "On The Scene With Janine" sa Miss Universe 2013 na mapapanood ang videos sa Miss Universe website. Katulad nang naisulat natin dito ("Janine Tugonon, may special role sa Miss Universe 2013") ginawa ni Janine ngayong taon ang ginawa ni Shamcey noong nakaraang taon. Dahil hindi nakuha ni Ariella ang korona ay malamang siya naman ang may ganitong papel sa Miss Universe 2014.

Sa sinasabing Trump Card, tatlo ang hindi nakapasok sa Top 16--Miss Russia (kaya marami ang nagsasabing hindi luto ang contest), Miss Italy (kahit pa Italian brand ang swimwear sponsor na Yamamay) at Miss Turkey (sinasabing of Turkish origin ang hair sponsor na CHI).

May mensahe si Ariella sa atin na kanyang mga kababayan at nais naming i-share ito sa lahat:

"I may not have brought home the crown, but I hope I have given my best to exceed my people's expectations. The winning streak continued --2010, 2011, 2012, 2013.

And that makes us a powerhouse of beauty and intelligence in the entire universe. And you, my dear kababayans, are the true heroes of this pageant. Thank you for the love and support up to the last hurdle of my intense battle. It was a competition with discriminating judges with all their personal choices and that we have to accept. I have accepted my fate, I have given my best, and that makes me a beauty queen till the last day of my life.

Mabuhay ang lahing magaganda.
Mabuhay ang bansang PILIPINAS!"

--Ariella Arida, Miss Universe 2013 3rd Runner-Up

Mga larawan mula sa www.missuniverse.com

Mababasa rin ang isa pa naming blog na may kaparehong tema sa http://arloc888.wordpress.com
 






No comments:

Post a Comment