Saturday, December 14, 2013

Koreen Medina, 3rd Runner-Up sa Miss Intercontinental 2013

Totoong naging malakas ang pambato ng Pilipinas na si Koreen Medina sa Miss Intercontinental 2013 pageant na ginanap sa Magdeburg, Germany.

Siya ang tinanghal na Finalist mula sa Asia and Oceania at naging 3rd Runner-Up ni Miss Russia Ekaterina Plekhova na kinoronahan bilang kapalit ni Miss Intercontinental 2012 na si Daniela Chalbaud ng Venezuela.



Ang timpalak na ito ay nakabase sa Panama City, Panama at 43 years nang ginanaganap taun-taon. Nagsimula ito bilang teen competition sa Aruba hanggang umabot sa pagiging paligsahan ng mga kandidata mula sa 5 continents ng mundo.



First runner-up si Miss Puerto Rico Aleyda Rodriguez na siya ring nanalong Best in Swimsuit at Best Smile. Si Aleyda ang Finalist mula North America. Second Runner-Up naman ang Finalist mula sa South America na si Miss Colombia Margarita Maria Tovar at 4th Runner-Up si Miss South Africa Kayla Nel, Finalist mula sa African continent.



Umabante sa Top 5 ang mga naggagandahang dilag mula sa Top 15 semi-finalists na kinabibilangan ng mga kandidata mula Thailand, New Zealand, Hungary, Germany, Poland, England, Argentina, Curacao, Costa Rica at Panama.

Best in Gown si Miss Argentina, Miss Press si Miss Turkey, Miss Photogenic si Miss Portugal at Miss Congeniality ang kinatawan ng host country, Germany.

Pinakabata sa 59 candidates si Koreen, na isa nang TV at stage personality bago pa man nanalong Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific 2013.

Kapansin-pansin na paborito ng camera sa Koreen sa live stream broadcast ng Miss Intercontinental 2013 mula 3:20 a.m. hanggang 6:20 a.m. Manila time, Sunday (Saturday 8 p.m. sa Germany).

Muslim princess ang ginamit na national costume ni Koreen, Si Miss Panama ang nanalong Best in National Costume.



Sa record ng Miss Intercontinental ay Venezuela ang nangunguna sa mga nag-uwi na ng korona with 5 winners mula 1973. Ang pinakamataas naman na nakuha ng Pilipinas sa nasabing contest ay 2nd Runner-Up noong mid-'90s sa pamamagitan ni Maria Sovietskaya Bacud. Si Koreen ang pangalawang Filipina na pumasok sa Top 5.

Hindi nakapasok ang Venezuela kahit sa Top 15, at di rin naging finalist sa mga competition kung saan ang nanalo ay Philippines--Miss Supranational at Miss World. Samantalang sa Miss Universe ay nag-3rd Runner-Up si Ariella Arida kay Gabriela Isler at nasa Top 8 si Angelee delos Reyes nang iproklama bilang Miss Earth 2013 si Alyz Henrich.

Kung tutuusin ay lamang ang Pilipinas sa Venezuela. Ang hinihintay na lang ay ang resulta ng Miss International na ginaganap sa Tokyo, Japan kung saan parehong malakas sina Miss Philippines Bea Rose Santiago at Miss Venezuela Nicelin Elian Herrera Vasquez. Kukoronahan ang successor ni Ikumi Yoshimatsu sa December 17. Malalaman kung alin sa dalawang bansa ang Country Performer of the Year.




No comments:

Post a Comment